Add parallel Print Page Options

Tinawag ni Moises ang lugar na Masa[a] at Meriba,[b] dahil nakipagtalo sa kanya ang mga Israelita at sinubukan nila ang Panginoon sa pamamagitan ng pagsasabi, “Sinasamahan ba tayo ng Panginoon o hindi?”

Natalo ang mga Amalekita

Nang naroon pa ang mga Israelita sa Refidim, sinalakay sila ng mga Amalekita. Sinabi ni Moises kay Josue, “Pumili ka ng ilang tauhan natin at makipaglaban kayo sa mga Amalekita. Tatayo ako bukas sa ibabaw ng burol habang hawak ang baston na iniutos ng Dios na dalhin ko.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 17:7 Masa: Ang ibig sabihin, pagsubok.
  2. 17:7 Meriba: Ang ibig sabihin, pagtatalo.