Add parallel Print Page Options

Alalahanin ninyo ang araw na ito ng buwan ng Abib[a] – ang araw na inilabas kayo sa Egipto. Dapat nʼyo itong ipagdiwang kapag dinala na kayo ng Panginoon sa lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Hiveo at mga Jebuseo. Ito ang lupaing ipinangako niya sa inyong mga ninuno na ibibigay sa inyo. Maganda at masaganang lupain[b] na ito. Sa panahon ng pagdiriwang ninyo, kakain kayo ng tinapay na walang pampaalsa sa loob ng pitong araw, at sa ikapitong araw ninyo sisimulang idaos ang pista para sa Panginoon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 13:4 Abib: Ang unang buwan sa kalendaryo ng Hebreo, mula sa kalagitnaan ng Marso hanggang sa kalagitnaan ng Abril.
  2. 13:5 Maganda at masaganang lupain: sa literal, lupain na dumadaloy ang gatas at pulot.