Font Size
Exodo 9:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Exodo 9:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 At nang patingnan ng Faraon, wala ngang namatay sa mga hayop ng mga Israelita. Ngunit nagmatigas pa rin ito at ayaw pa ring payagan ang mga Israelita.
Ang Ikaanim na Salot: Ang mga Pigsa
8 Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, “Dumakot kayo ng abo sa pugon at ito'y pataas na ihahagis ni Moises na nakikita ng Faraon. 9 Mapupuno ng pinong alikabok ang buong Egipto at ang lahat ng tao at hayop sa lupain ay matatadtad ng mga pigsang nagnanaknak.”
Read full chapter