Add parallel Print Page Options

Pinatigas ni Faraon ang kaniyang puso.

14 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ang puso ni Farao'y nagmatigas, ayaw niyang paalisin ang bayan.

15 Pumaroon ka kay Faraon kinaumagahan; narito, siya'y pasasa tubig; at ikaw ay tatayo sa tabi ng ilog upang matagpuan mo siya; at ang (A)tungkod na naging ahas ay iyong tatangnan sa iyong kamay.

16 At iyong sasabihin sa kaniya, Sinugo ako sa iyo ng (B)Panginoon, ng Dios ng mga Hebreo, na sinasabi, Pahintulutan mong ang aking bayan ay yumaon, upang sila'y makapaglingkod sa akin sa ilang (C)at, narito, hanggang ngayo'y hindi mo dininig.

Read full chapter