Add parallel Print Page Options

Sina Moises at Aaron sa Harapan ng Faraon

Pagkatapos nito, nagpunta sa Faraon sina Moises at Aaron. Sinabi nila, “Ipinapasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, na payagan ninyong pumunta sa ilang ang kanyang bayang Israel upang magpista bilang parangal sa kanya.”

“Sinong Yahweh? Sino siyang mag-uutos sa akin na payagan kong umalis ang mga Israelita? Wala akong kilalang Yahweh. Hindi! Hindi ko papayagang umalis ang mga Israelita,” sagot ng Faraon.

Sinabi nila, “Nagpakita po sa amin ang Diyos naming mga Hebreo kaya isinasamo naming payagan na ninyo kaming maglakbay nang tatlong araw papunta sa ilang upang maghandog kay Yahweh na aming Diyos. Kung hindi, lilipulin niya kami sa pamamagitan ng sakit o digmaan.”

Sinabi ng hari ng Egipto kina Moises at Aaron, “At bakit ninyo ilalayo ang mga tao sa kanilang trabaho? Bumalik kayo ngayon din sa inyong mga trabaho. Mas marami na nga ang mga Hebreo kaysa mga Egipcio, nais pa ninyong tumigil sa pagtatrabaho?” sabi sa kanila ng Faraon.

Nang araw ding iyon, ipinatawag ng Faraon ang mga tagapangasiwang Egipcio at ang mga kapatas na Israelita. Sinabi niya, “Huwag na ninyo silang bibigyan ng dayaming ginagamit sa paggawa ng tisa. Hayaan ninyong sila ang manguha ng gagamitin nila. At ang dami ng gagawin nila ay tulad din ng dati; huwag babawasan kahit isa. Tinatamad lang ang mga iyan kaya nagpapaalam na maghandog sa kanilang Diyos. Lalo ninyong damihan ang kanilang gawain at lalo silang higpitan sa pagtatrabaho para hindi sila makapakinig ng kung anu-anong kasinungalingan.”

10 Pagkasabi nito ng Faraon, lumakad ang mga tagapangasiwang Egipcio at ang mga kapatas. Sinabi nila sa mga tao, “Ipinapasabi ng Faraon na hindi na kayo bibigyan ng dayami. 11 Kayo na ang bahalang manguha ng kailangan ninyo kung saan mayroon, at ang tisang gagawin ninyo araw-araw ay sindami rin ng dati.” 12 Ginalugad ng mga Israelita ang buong Egipto sa paghahanap ng dayami. 13 Sila'y inaapura ng mga tagapangasiwa at pilit na pinagagawa ng tisang sindami rin noong sila'y binibigyan pa ng dayami. 14 Kapag kulang ang kanilang nagawa, ang mga kapatas na Israelita ay binubugbog ng mga tagapangasiwa, at tinatanong: “Bakit kakaunti ang nagawa ninyo ngayon?”

15 Dahil dito, pumunta sa Faraon ang mga kapatas at nagreklamo, “Bakit po naman ninyo kami ginaganito? 16 Pinagagawa pa po kami ng tisa ngunit hindi na binibigyan ng dayami. At ngayon po'y binubugbog pa kami, gayong ang mga tauhan ninyo ang may pagkukulang!”

17 Sinabi ng Faraon, “Mga batugan! Tinatamad lang kayo kaya ninyo hinihiling sa akin na payagan kayong maghandog kay Yahweh. 18 Sige, magbalik na kayo sa inyong trabaho. Hindi kayo bibigyan ng dayami, at ang gagawin ninyong tisa ay sindami pa rin ng dati ninyong ginagawa.”

19 Nakita ng mga kapatas ang hirap ng kanilang katayuan nang sabihin sa kanilang sindami rin ng dati ang kanilang gagawin. 20 Pag-uwi nila mula sa pakikipag-usap sa Faraon, nakita nila sa daan sina Moises at Aaron na naghihintay sa kanila. 21 Sinabi nila sa dalawa, “Parusahan sana kayo ni Yahweh. Dahil sa ginawa ninyong ito, nagalit sa amin ang Faraon at ang mga tauhan niya. Binigyan pa ninyo sila ng dahilang patayin kami.”

Nanalangin si Moises

22 Kaya, nanalangin si Moises, “Yahweh, bakit po ninyo pinahihirapan ng ganito ang inyong bayan? Bakit pa ninyo ako sinugo kung ganito rin lamang ang mangyayari? 23 Mula nang makipag-usap ako sa Faraon ay lalo niyang pinahirapan ang inyong bayan, ngunit wala kayong ginagawa upang tulungan sila.”

First Encounter with Pharaoh

Afterward Moses and Aaron went in and told Pharaoh, “Thus says the Lord God of Israel: ‘Let My people go, that they may [a]hold (A)a feast to Me in the wilderness.’ ”

And Pharaoh said, (B)“Who is the Lord, that I should obey His voice to let Israel go? I do not know the Lord, (C)nor will I let Israel go.”

So they said, (D)“The God of the Hebrews has (E)met with us. Please, let us go three days’ journey into the desert and sacrifice to the Lord our God, lest He fall upon us with (F)pestilence or with the sword.”

Then the king of Egypt said to them, “Moses and Aaron, why do you take the people from their work? Get back to your (G)labor.” And Pharaoh said, “Look, the people of the land are (H)many now, and you make them rest from their labor!”

So the same day Pharaoh commanded the (I)taskmasters of the people and their officers, saying, “You shall no longer give the people straw to make (J)brick as before. Let them go and gather straw for themselves. And you shall lay on them the quota of bricks which they made before. You shall not reduce it. For they are idle; therefore they cry out, saying, ‘Let us go and sacrifice to our God.’ Let more work be laid on the men, that they may labor in it, and let them not regard false words.”

10 And the taskmasters of the people and their officers went out and spoke to the people, saying, “Thus says Pharaoh: ‘I will not give you straw. 11 Go, get yourselves straw where you can find it; yet none of your work will be reduced.’ ” 12 So the people were scattered abroad throughout all the land of Egypt to gather stubble instead of straw. 13 And the taskmasters forced them to hurry, saying, “Fulfill your work, your daily quota, as when there was straw.” 14 Also the (K)officers of the children of Israel, whom Pharaoh’s taskmasters had set over them, were (L)beaten and were asked, “Why have you not fulfilled your task in making brick both yesterday and today, as before?”

15 Then the officers of the children of Israel came and cried out to Pharaoh, saying, “Why are you dealing thus with your servants? 16 There is no straw given to your servants, and they say to us, ‘Make brick!’ And indeed your servants are beaten, but the fault is in your own people.”

17 But he said, “You are idle! Idle! Therefore you say, ‘Let us go and sacrifice to the Lord.’ 18 Therefore go now and work; for no straw shall be given you, yet you shall deliver the quota of bricks.” 19 And the officers of the children of Israel saw that they were in trouble after it was said, “You shall not reduce any bricks from your daily quota.”

20 Then, as they came out from Pharaoh, they met Moses and Aaron who stood there to meet them. 21 (M)And they said to them, “Let the Lord look on you and judge, because you have made [b]us abhorrent in the sight of Pharaoh and in the sight of his servants, to put a sword in their hand to kill us.”

Israel’s Deliverance Assured(N)

22 So Moses returned to the Lord and said, “Lord, why have You brought trouble on this people? Why is it You have sent me? 23 For since I came to Pharaoh to speak in Your name, he has done evil to this people; neither have You delivered Your people at all.”

Footnotes

  1. Exodus 5:1 keep a pilgrim-feast
  2. Exodus 5:21 Lit. our scent to stink before