Font Size
Exodo 39:2-4
Magandang Balita Biblia
Exodo 39:2-4
Magandang Balita Biblia
2 Mainam na lino, lanang kulay asul, kulay ube at kulay pula ang ginamit nila sa efod. 3 Ang ginto ay pinitpit nila nang manipis at ginupit nang pino na parang sinulid, at inihalo sa paghabi sa lanang kulay asul, kulay ube at pula at sa mainam na lino. 4 Ang efod ay kinabitan nila ng malapad na tali na siyang nagdudugtong sa likod at harap.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.