Add parallel Print Page Options

ginawa niya ang mga pasanan na yari sa kahoy na akasya, at binalot ng tanso ang mga ito.

Kanyang isinuot ang mga pasanan sa mga argolya na nasa mga tagiliran ng dambana, upang mabuhat iyon; ginawa niya itong may guwang na may mga tabla.

Kanyang(A) ginawa ang hugasang yari sa tanso, at ang patungan niyon ay tanso, mula sa mga salamin ng mga babaing lingkod na naglilingkod sa pintuan ng toldang tipanan.

Read full chapter