Add parallel Print Page Options

24 Lahat ng ginto na ginamit sa gagawin sa buong gawain sa santuario, sa makatuwid baga'y ang gintong (A)handog ay dalawangpu't siyam na talento, at pitong daan at tatlongpung siklo, (B)ayon sa siklo ng santuario.

25 At ang pilak niyaong mga nabilang sa kapisanan ay isang daang talento, at isang libo't pitong daan at pitongpu't limang siklo, ayon sa siklo ng santuario:

26 (C)Na tigisang beka bawa't ulo, samakatuwid, kalahati ng isang siklo, ayon sa siklo ng santuario, sa bawa't isa na nasanib sa mga nabilang, magmula sa dalawangpung taong gulang na patanda, sa (D)anim na raan at tatlong libo at limang daan at limangpung lalake.

Read full chapter