Add parallel Print Page Options

23 Ang ilawan ay iginawa niya ng pitong ilaw na may kasamang pang-ipit ng mitsa at patungan na pawang dalisay na ginto. 24 Ang nagamit sa ilawan ay tatlumpu't limang kilong purong ginto.

Ang Paggawa sa Altar na Sunugan ng Insenso(A)

25 Gumawa siya ng altar na sunugan ng insenso. Ito ay yari sa punong akasya. Ito ay parisukat, 0.5 metro ang haba, gayundin ang lapad at 0.9 na metro ang taas. Ang apat na sulok nito ay nilagyan niya ng sungay na kaisang piraso ng altar.

Read full chapter