Add parallel Print Page Options

29 Lahat ng Israelita, lalaki at babae na handang tumulong ay nagdala ng handog kay Yahweh para sa ipinagagawa niya kay Moises.

Ang mga Gagawa sa Toldang Tipanan(A)

30 Sinabi ni Moises sa mga Israelita, “Pinili ni Yahweh si Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur, buhat sa lipi ni Juda. 31 Siya'y pinuspos niya ng Espiritu ng Diyos[a] at binigyan ng kakayahan, kahusayan, at katalinuhan sa lahat ng gawaing pansining.

Read full chapter

Footnotes

  1. Exodo 35:31 ng Espiritu ng Diyos: o ng kapangyarihan.