Add parallel Print Page Options

26 Ang(A) pinakaunang bunga ng iyong lupa ay dadalhin mo sa bahay ng Panginoon mong Diyos. Huwag mong pakukuluan ang batang kambing sa gatas ng kanyang ina.”

27 Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Isulat mo ang mga salitang ito; ayon sa mga salitang ito ay nakipagtipan ako sa iyo at sa Israel.”

28 At siya'y naroon na kasama ng Panginoon, na apatnapung araw at apatnapung gabi; hindi siya kumain ng tinapay, o uminom man ng tubig. At isinulat niya sa mga tapyas ang mga salita ng tipan, ang sampung utos.

Read full chapter