Exodo 33:11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
11 Ang pakikipag-usap ni Yahweh kay Moises ay harap-harapan, tulad ng pakikipag-usap sa kaibigan. Pagkatapos, si Moises ay bumabalik na sa kampo ngunit naiiwan sa Tolda si Josue, ang lingkod niya.
Read full chapter
Ecclesiastico 45:1-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Si Moises
45 Mula(A) sa lahi ni Jacob lumitaw si Moises, ulirang lalaking kinalugdan ng lahat.
Minahal ng Diyos at ng mga tao,
at nag-iwan ng isang banal na alaala.
2 Ipinantay siya ng Diyos sa kanyang mga anghel,
at binigyan ng kapangyarihang kinasindakan ng kanyang mga kaaway.
3 Doon sa Egipto, sa isang salita niya'y dumating[a] ang pagkawasak,
at dinakila siya sa harapan ng mga hari.
Ibinigay sa kanya ng Panginoon ang Kautusan para sa kanyang bayan,
at pinakitaan siya ng kanyang kaluwalhatian.
4 Pinili siya dahil sa kanyang katapatan at kababaang-loob,
at ibinukod mula sa karamihan.
5 Ipinarinig sa kanya ng Diyos ang kanyang tinig,
at dinala siya sa maitim na ulap.
Iniabot sa kanya ang Kautusan,
ang batas na nagbibigay-buhay at pang-unawa.
Upang ituro niya sa lahi ni Jacob ang kahulugan ng Kasunduan,
at malaman ng buong Israel ang kanyang mga utos.
Footnotes
- 3 dumating: Ganito ang nasa tekstong Hebreo. Sa tekstong Griego ay huminto .