Add parallel Print Page Options

12 (A)Bakit sasalitain ng mga Egipcio, na sasabihin, Dahil sa kasamaan, inilabas sila upang patayin sila sa mga bundok, at upang lipulin sila sa balat ng lupa? Iurong mo ang iyong mabangis na pagiinit, at (B)pagsisihan mo ang kasamaang ito laban sa iyong bayan.

13 Alalahanin mo si Abraham, si Isaac, at si Israel na iyong mga lingkod, (C)na silang iyong mga sinumpaan sa iyong sarili, at mga pinagsabihan, Aking (D)pararamihin ang inyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at lahat ng lupaing ito na aking sinalita ay aking ibibigay sa inyong binhi, at kanilang mamanahin magpakailan man.

14 At pinagsisihan ng (E)Panginoon ang kasamaan na kaniyang sinabing kaniyang gagawin sa kaniyang bayan.

Read full chapter