Exodo 29:45-46
Ang Biblia (1978)
45 At (A)ako'y tatahan sa gitna ng mga anak ni Israel, at ako'y magiging kanilang Dios.
46 At kanilang makikilala, na (B)ako ang Panginoon nilang Dios, na kumuha sa kanila sa lupain ng Egipto, upang ako'y tumahan sa gitna nila: ako ang Panginoon nilang Dios.
Read full chapter
Genesis 17:7-8
Ang Biblia (1978)
7 (A)At aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na ako'y (B)magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo.
8 (C)At ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi, pagkamatay mo, ang lupaing iyong mga pinaglakbayan, ang buong lupain ng Canaan, na pagaaring walang hanggan (D)at ako ang magiging Dios nila.
Read full chapter
Deuteronomio 29:13
Ang Biblia (1978)
13 (A)Upang kaniyang itatag ka sa araw na ito na isang bayan, at upang siya'y maging iyong Dios, (B)na gaya ng kaniyang sinalita sa iyo, at (C)gaya ng kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob.
Read full chapter
Apocalipsis 21:7
Ang Biblia (1978)
7 (A)Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at (B)ako'y magiging Dios niya, at siya'y magiging anak ko.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978