Font Size
Exodo 29:35-37
Ang Biblia (1978)
Exodo 29:35-37
Ang Biblia (1978)
Handog na pangaraw-araw.
35 At ganito mo gagawin kay Aaron, at sa kaniyang mga anak, ayon sa lahat na aking iniutos sa iyo: (A)pitong araw na iyong itatalaga sila.
36 At araw-araw ay (B)maghahandog ka ng toro na pinakahandog, dahil sa kasalanan na pinakapangtubos: at iyong lilinisin ang dambana pagka iyong ipinanggagawa ng katubusan yaon; at (C)iyong papahiran ng langis upang pakabanalin.
37 Pitong araw na iyong tutubusin sa sala ang dambana, at iyong pakakabanalin; at ang dambana ay magiging kabanalbanalan; (D)anomang masagi sa dambana ay magiging banal.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978