Add parallel Print Page Options

12 At (A)kukuha ka ng dugo ng toro, at ilalagay mo ng iyong daliri sa ibabaw ng (B)mga anyong sungay ng dambana; at iyong ibubuhos ang lahat ng dugo sa paanan ng dambana.

13 At kukunin mo ang buong taba na nakababalot sa bituka, at ang mga lamak ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba na nasa ibabaw ng mga yaon, at susunugin mo sa ibabaw ng dambana.

14 Datapuwa't ang laman ng toro, at ang balat, at ang dumi ay iyong (C)susunugin sa apoy sa labas ng kampamento: handog nga dahil sa kasalanan.

Read full chapter