Add parallel Print Page Options

23 Sapagka't ang aking anghel ay magpapauna sa iyo (A)at dadalhin ka sa Amorrheo, at sa Hetheo at sa Perezeo, at sa Cananeo, at sa Heveo, at sa Jebuseo, at aking lilipulin.

24 (B)Huwag kang yuyukod sa kanilang mga dios, o maglilingkod man sa mga yaon, o gagawa man ng ayon sa kanilang mga gawa, (C)kundi iyong iwawaksi at iyong pagpuputulputulin ang (D)kanilang mga haligi na pinakaalaala.

25 At inyong paglilingkuran ang Panginoon ninyong Dios, (E)at kaniyang babasbasan ang iyong tinapay at ang iyong tubig; (F)at aking aalisin ang sakit sa gitna mo.

Read full chapter