Add parallel Print Page Options

18 “Huwag mong iaalay ang dugo ng aking handog na kasabay ng tinapay na may pampaalsa; o iiwan mo man ang taba ng aking pista hanggang sa kinaumagahan.

19 “Ang(A) mga pinakauna ng mga unang bunga ng iyong lupa ay iyong dadalhin sa bahay ng Panginoon mong Diyos.

“Huwag mong pakukuluan ang batang kambing sa gatas ng kanyang ina.

Pangakong Pagpasok sa Canaan

20 “Aking isinusugo ang isang anghel sa unahan mo, upang ingatan ka sa daan, at upang dalhin ka sa dakong aking inihanda.

Read full chapter