Add parallel Print Page Options

28 At kung ang isang baka ay manuwag ng isang lalake o ng isang babae, na ano pa't mamatay, (A)ay babatuhing walang pagsala ang baka at ang kaniyang lama'y hindi kakanin; datapuwa't ang may-ari ng baka ay maliligtas.

29 Datapuwa't kung ang baka ay dating manunuwag sa panahong nakaraan, at naisumbong na sa mayari at hindi niya kinulong, na ano pa't makamatay ng isang lalake, o isang babae: ay babatuhin ang baka at ang may-ari naman ay papatayin.

30 Kung siya'y atangan ng katubusan ay magbibigay nga siya (B)ng katubusan sa kaniyang buhay anomang iatang sa kaniya.

Read full chapter