Font Size
Exodo 2:10-12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Exodo 2:10-12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
10 Nang(A) malaki na ang bata, dinala siya ng kanyang ina sa prinsesa, at siya'y itinuring na anak nito. Sinabi niya, “Iniahon ko siya sa tubig, kaya Moises[a] ang ipapangalan ko sa kanya.”
Tumakas si Moises
11 Nang(B) (C) binata na si Moises, dinalaw niya ang kanyang mga kababayan at nakita niya ang hirap na tinitiis ng mga ito dahil sa mabibigat na gawain. Nakita pa niyang sinasaktan ng isang Egipcio ang isang Hebreo. 12 Tumitingin-tingin siya sa paligid. Nang wala siyang makitang tao, pinatay niya ang Egipcio at tinabunan ito ng buhangin.
Read full chapterFootnotes
- 10 MOISES: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Moises” at “Iniahon” ay magkasintunog.