Exodo 19:4-6
Ang Biblia (1978)
4 Inyong nakita ang aking ginawa sa mga Egipcio, (A)at kung paanong dinala ko kayo sa mga pakpak ng agila, at kayo'y inilapit ko sa akin din.
5 (B)Kaya't ngayon, kung tunay na inyong susundin ang aking tinig, at iingatan ang aking tipan, (C)ay magiging isang tanging kayamanan nga kayo sa akin, na higit sa lahat ng bayan: sapagka't ang buong lupa ay akin;
6 At kayo'y magiging isang (D)kaharian ng mga saserdote sa akin, at isang (E)banal na bansa. Ito ang mga salita na inyong sasalitaan sa mga anak ni Israel.
Read full chapter
Isaias 44:22-23
Ang Biblia (1978)
22 Aking pinawi na (A)parang masinsing ulap ang iyong mga pagsalangsang, at, parang alapaap, ang iyong mga kasalanan: manumbalik ka sa akin; sapagka't tinubos (B)kita.
23 Magsiawit, Oh (C)kayong mga langit, sapagka't nilikha ng Panginoon; kayo'y magsihiyaw, (D)mga lalong mababang bahagi ng lupa: kayo'y magbiglang magsiawit, kayong mga bundok, Oh gubat, at bawa't punong kahoy na nandiyan: sapagka't tinubos ng Panginoon ang Jacob, at magpapakaluwalhati sa Israel.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978