Add parallel Print Page Options

10 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Pumaroon ka sa bayan at papagbanalin mo sila ngayon at bukas (A)at labhan nila ang kanilang mga damit,

11 At humanda sa ikatlong araw: (B)sapagka't sa ikatlong araw ay bababa ang Panginoon sa paningin ng buong bayan sa ibabaw ng bundok ng Sinai.

12 At lalagyan mo ng mga hangganan ang bayan sa palibot, na iyong sasabihin, Magingat kayo, na kayo'y huwag sumampa sa bundok, o sumalang sa hangganan: (C)sinomang sumalang sa bundok ay papatayin na walang pagsala:

Read full chapter