Add parallel Print Page Options

kasama(A) ang dalawa nilang anak. Gersom[a] ang pangalan ng una sapagkat ang sabi ni Moises nang ito'y isilang: “Ako'y dayuhan sa lupaing ito.” Ang pangalawa nama'y Eliezer,[b] sapagkat ang sabi niya: “Tinulungan ako ng Diyos ng aking mga ninuno; iniligtas niya ako sa tabak ng Faraon.” Isinama ni Jetro ang asawa ni Moises at ang dalawang anak nito, at pumunta sa pinagkakampuhan nina Moises sa ilang, sa tabi ng Bundok ng Diyos.

Read full chapter

Footnotes

  1. Exodo 18:3 GERSOM: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Gersom” at “dayuhan” ay magkasintunog.
  2. Exodo 18:4 ELIEZER: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Eliezer” at “tinulungan ako ng Diyos” ay magkasintunog.