Add parallel Print Page Options

Sumagot si Yahweh, “Magsama ka ng ilang pinuno ng Israel at mauna kayo sa mga Israelita. Dalhin mo ang iyong tungkod na inihampas mo sa Ilog Nilo at lumakad na kayo. Hihintayin ko kayo sa ibabaw ng malaking bato sa Sinai.[a] Hampasin mo ito at bubukal ang tubig na maiinom ng mga tao.” Iyon nga ang ginawa ni Moises; at ito'y nasaksihan ng mga kasama niyang pinuno ng Israel.

Ang lugar na iyon ay pinangalanan niyang “Masah”[b] at “Meriba”[c] sapagkat nagtalu-talo doon ang mga Israelita at sinubok nila si Yahweh. Ang pinagtalunan nila ay kung pinapatnubayan nga sila ni Yahweh o hindi.

Read full chapter

Footnotes

  1. Exodo 17:6 Sinai: o kaya'y Horeb .
  2. Exodo 17:7 MASAH: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang “Masah” ay “pagsubok”.
  3. Exodo 17:7 MERIBA: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang “Meriba” ay “pakikipagtalo”.