Add parallel Print Page Options

Ang Batis ng Mapait na Tubig

22 Pinagayak ni Moises ang mga Israelita, at umalis sila sa Dagat na Pula[a] patungo sa ilang ng Shur. Tatlong araw na silang naglalakbay ngunit wala pa silang nakikitang tubig. 23 Sa wakas, dumating sila sa batis ng Mara, ngunit hindi nila mainom ang tubig nito dahil mapait. Kaya, tinawag nila itong Batis na Mapait.[b] 24 Nagreklamo kay Moises ang mga Israelita, “Ano ngayon ang iinumin namin?”

Read full chapter

Footnotes

  1. 22 Dagat na Pula: o kaya'y Dagat ng mga Tambo .
  2. 23 MARA…BATIS NA MAPAIT: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang “Mara” ay “mapait”.