Font Size
Exodo 15:22-24
Magandang Balita Biblia
Exodo 15:22-24
Magandang Balita Biblia
Ang Batis ng Mapait na Tubig
22 Pinagayak ni Moises ang mga Israelita, at umalis sila sa Dagat na Pula[a] patungo sa ilang ng Shur. Tatlong araw na silang naglalakbay ngunit wala pa silang nakikitang tubig. 23 Sa wakas, dumating sila sa batis ng Mara, ngunit hindi nila mainom ang tubig nito dahil mapait. Kaya, tinawag nila itong Batis na Mapait.[b] 24 Nagreklamo kay Moises ang mga Israelita, “Ano ngayon ang iinumin namin?”
Read full chapterFootnotes
- Exodo 15:22 Dagat na Pula: o kaya'y Dagat ng mga Tambo .
- Exodo 15:23 MARA…BATIS NA MAPAIT: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang “Mara” ay “mapait”.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.