Font Size
Exodo 15:22-24
Ang Biblia (1978)
Exodo 15:22-24
Ang Biblia (1978)
22 At pinatnubayan ni Moises ang Israel mula sa Dagat na Mapula, at sila'y lumabas sa ilang ng (A)Shur; at sila'y lumakad na tatlong araw sa ilang, at hindi nakasumpong ng tubig.
Ang Israel sa Mara.
23 At nang sila'y dumating sa Mara, ay hindi sila makainom ng tubig sa Mara, sapagka't mapait: kaya't ang pangalang itinawag ay Mara.[a]
24 At (B)inupasala ng bayan si Moises, na sinasabi, Anong aming iinumin?
Read full chapterFootnotes
- Exodo 15:23 Kapaitan.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978