Font Size
Exodo 15:20-22
Magandang Balita Biblia
Exodo 15:20-22
Magandang Balita Biblia
20 Pagkatapos, kumuha ng tamburin si Miriam, ang babaing propeta na kapatid ni Aaron. Tinugtog niya ito at nagsayawan ang mga babae na mayroon ding mga tamburin. 21 Habang sila'y nagsasayaw, ganito ang inaawit ni Miriam:
“Purihin si Yahweh sa kanyang dakilang tagumpay;
itinapon niya sa dagat ang mga karwahe't ang nakasakay.”
Ang Batis ng Mapait na Tubig
22 Pinagayak ni Moises ang mga Israelita, at umalis sila sa Dagat na Pula[a] patungo sa ilang ng Shur. Tatlong araw na silang naglalakbay ngunit wala pa silang nakikitang tubig.
Read full chapterFootnotes
- Exodo 15:22 Dagat na Pula: o kaya'y Dagat ng mga Tambo .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.