Exodo 14
Ang Biblia (1978)
Hinabol sila ni Faraon.
14 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,
2 Salitain mo sa mga anak ni Israel, (A)na sila'y bumalik at humantong sa tapat ng (B)Pi-hahiroth, sa pagitan ng (C)Migdol at ng dagat, sa tapat ng Baalzephon: sa tapat niyaon hahantong kayo, sa tabi ng dagat.
3 At sasabihin ni Faraon tungkol sa mga anak ni Israel: Nangasisilo sila sa lupain, sila'y naliligid ng ilang.
4 (D)At aking papagmamatigasin ang puso ni Faraon, at kaniyang hahabulin sila (E)at kayo'y magiimbot ng karangalan kay Faraon, at sa lahat niyang hukbo; at (F)malalaman ng mga Egipcio, na ako ang Panginoon. At kanilang ginawang gayon.
5 At nasabi sa hari sa Egipto, na ang bayan ay tumakas: at ang puso ni Faraon at ng kaniyang mga lingkod ay nagbago tungkol sa bayan, at kanilang sinabi, Ano itong ating ginawa, na ating pinayaon ang Israel, upang huwag na tayong mapaglingkuran?
6 At inihanda ni Faraon ang kaniyang karro, at kaniyang ipinagsama ang kaniyang bayan:
7 At siya'y nagdala ng (G)anim na raang piling karro, at lahat ng mga karro sa Egipto, at ng mga kapitan na namumuno sa lahat ng mga yaon.
8 At pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon na hari sa Egipto, at hinabol niya ang mga anak ni Israel, (H)sapagka't ang mga anak ni Israel ay nagsialis na may lubos na pagkakatiwala.
9 (I)At hinabol sila ng mga Egipcio, ng lahat ng mga kabayo at ng karro ni Faraon, at ng kaniyang mga taong mangangabayo, at ng kaniyang hukbo, at inabutan sila noong nakahantong sa tabi ng dagat, na nasa siping ng Pi-hahirot, sa tapat ng Baal-zefon.
10 At nang si Faraon ay nalalapit, ay itiningin ng mga anak ni Israel ang kanilang mga mata, at, narito, ang mga Egipcio ay sumusunod sa kanila; at sila'y natakot na mainam: at ang mga anak ni Israel ay (J)humibik sa Panginoon.
11 (K)At kanilang sinabi kay Moises, Dahil ba sa walang libingan sa Egipto, kung kaya dinala mo kami rito upang mamatay sa ilang? bakit ka gumawa ng ganito sa amin, na inilabas mo kami sa Egipto?
12 (L)Di ba ito ang sinalita namin sa iyo sa Egipto, na sinasabi, Pabayaan mo kami na makapaglingkod sa mga Egipcio? Sapagka't lalong mabuti sa amin ang maglingkod sa mga Egipcio kay sa kami ay mamatay sa ilang.
13 At sinabi ni Moises sa bayan, (M)Huwag kayong matakot, tumigil kayo, at tingnan ninyo ang pagliligtas ng Panginoon na gagawin sa inyo ngayon: sapagka't ang mga Egipcio na inyong nakikita ngayon, ay hindi na ninyo uli makikita magpakailan man.
14 (N)Ipakikipaglaban kayo ng Panginoon, at kayo'y tatahimik.
15 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bakit humihibik ka sa akin? salitain mo sa mga anak ni Israel na sila'y magpatuloy na yumaon.
16 At (O)itaas mo ang iyong tungkod, at iunat mo ang iyong kamay sa ibabaw ng dagat, at hawiin mo; at ang mga anak ni Israel ay dadaan sa gitna ng dagat sa ibabaw ng lupang tuyo.
17 At ako, narito, aking papagmamatigasin ang puso ng mga Egipcio at susundan nila sila: at ako'y (P)magiimbot ng karangalan kay Faraon, at sa buo niyang hukbo, sa kaniyang mga karro, at sa kaniyang mga nangangabayo.
18 At malalaman ng mga Egipcio, na ako ang Panginoon, pagka ako ay nakapagimbot ng karangalan kay Faraon, sa kaniyang mga karro, at sa kaniyang mga nangangabayo.
19 At ang anghel ng Dios (Q)na nasa unahan ng kampamento ng Israel, ay humiwalay at napasa hulihan nila; at ang haliging ulap ay humiwalay sa harap nila at lumagay sa likod nila:
20 At lumagay sa pagitan ng kampamento ng Egipto at ng kampamento ng Israel; at mayroong ulap at kadiliman, gayon ma'y binigyan sila ng liwanag sa gabi at ang isa't isa ay hindi nagkalapit sa buong magdamag.
21 At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat; at pinaghiwalay ng Panginoon ang dagat sa pamamagitan ng isang malakas na hanging silanganan ng buong magdamag, (R)at ang dagat ay pinapaging tuyong lupa (S)at ang tubig ay nahawi.
22 At ang mga anak ni Israel ay (T)pumasok sa gitna ng dagat sa ibabaw ng tuyong lupa: at ang tubig ay naging isang kuta sa kanila, sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa.
Ang hukbo ng Egipcio ay nalunod.
23 At hinabol sila ng mga Egipcio, at nagsipasok na kasunod nila sa gitna ng dagat, lahat ng mga kabayo ni Faraon, ang kaniyang mga karro, at ang kaniyang mga nangangabayo.
24 At nangyari, sa (U)pagbabantay sa kinaumagahan, na minasdan ng Panginoon ang hukbo ng mga Egipcio sa gitna ng haliging apoy at ulap, at niligalig ang hukbo ng mga Egipcio.
25 At inalisan ng gulong ang kanilang mga karro, na kanilang hinila ng buong hirap: na ano pa't sinabi ng mga Egipcio, Tumakas tayo sa harap ng Israel: (V)sapagka't ipinakikipaglaban sila ng Panginoon sa mga Egipcio.
26 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay sa dagat, upang ang tubig ay tumabon sa mga Egipcio, sa kanilang mga karro, at sa kanilang mga nangangabayo.
27 At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa dagat, at ang dagat ay nagsauli sa kaniyang dating lakas, nang umumaga; at ang mga Egipcio ay nagsitakas, (W)at nilaginlin ng Panginoon ang mga Egipcio sa gitna ng dagat.
28 At (X)ang tubig ay nagsauli, (Y)at tinakpan ang mga karro, at ang mga nangangabayo, sa makatuwid baga'y ang buong hukbo ni Faraon na pumasok na sumunod sa kanila sa dagat; walang natira kahit isa sa kanila.
29 Datapuwa't ang mga anak ni Israel ay lumakad sa tuyong lupa sa gitna ng dagat; at ang tubig sa kanila ay naging isang kuta sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa.
30 (Z)Gayon iniligtas ng Panginoon ang Israel ng araw na yaon sa kamay ng mga Egipcio; at nakita ng Israel ang mga Egipcio na mga patay sa tabi ng dagat.
31 At nakita ng Israel ang dakilang gawa, na (AA)ginawa ng Panginoon sa mga Egipcio, at ang bayan ay natakot sa Panginoon: at sila'y sumampalataya sa Panginoon at sa kaniyang lingkod na kay Moises.
2 Moseboken 14
Svenska Folkbibeln 2015
Vandringen genom Röda havet
14 Herren sade till Mose: 2 (A) ”Säg till Israels barn att de vänder och slår läger framför Pi-Hahirot[a], mellan Migdol[b] och havet. Mitt emot Baal-Sefon[c] ska ni slå läger vid havet. 3 Farao kommer att säga att Israels barn har gått vilse i landet, instängda av öknen. 4 Och jag ska göra faraos hjärta hårt så att han förföljer dem. Jag ska förhärliga mig på farao och hela hans här, så att egyptierna förstår att jag är Herren.” Och de gjorde så.
5 När man berättade för kungen i Egypten att folket hade flytt, förändrades faraos och hans tjänares inställning till folket och de sade: ”Vad har vi gjort? Vi släppte israeliterna så att de inte tjänar oss mer!” 6 Och han lät spänna för sina vagnar och tog med sig sitt folk. 7 Han tog sexhundra utvalda vagnar och alla andra vagnar som fanns i Egypten och ledande krigsmän på var och en av dem. 8 (B) Och Herren gjorde faraos, den egyptiske kungens, hjärta hårt så att han förföljde Israel när hela folket drog ut med upplyft hand. 9 Egyptierna, alla faraos hästar, vagnar och ryttare och hela hans här, förföljde dem och hann upp dem där de slagit läger vid havet nära Pi-Hahirot, mitt emot Baal-Sefon.
10 När farao närmade sig, lyfte Israels barn blicken och fick se egyptierna som kom tågande efter dem. Israels barn blev mycket förskräckta och ropade till Herren. 11 (C) Och de sade till Mose: ”Fanns det inga gravar i Egypten, eftersom du har fört oss hit för att dö i öknen? Vad har du gjort mot oss? Varför förde du oss ut ur Egypten? 12 Var det inte det vi sade till dig i Egypten? Vi sade: Låt oss vara, så att vi får tjäna egyptierna. Det hade varit bättre för oss att tjäna egyptierna än att dö här i öknen.” 13 Mose svarade folket: ”Var inte rädda! Stanna upp och bevittna den frälsning som Herren i dag ska ge er. Så som ni ser egyptierna i dag ska ni aldrig någonsin se dem igen. 14 (D) Herren ska strida för er, och ni ska hålla er stilla.
15 Sedan sade Herren till Mose: ”Varför ropar du till mig? Säg till Israels barn att de ska dra vidare. 16 (E) Lyft din stav och räck ut handen över havet och klyv det, så att Israels barn kan gå rakt genom havet på torr mark. 17 Se, jag ska förhärda egyptiernas hjärtan så att de följer efter dem, och jag ska förhärliga mig på farao och hela hans här, på hans vagnar och ryttare. 18 Egyptierna ska inse att jag är Herren när jag förhärligar mig på farao, på hans vagnar och ryttare.”
19 (F) Guds ängel, som hade gått framför Israels här, flyttade sig nu och gick bakom dem. Molnpelaren som hade gått framför dem flyttade sig och tog plats bakom dem, 20 så att den kom mellan egyptiernas här och israeliternas. Molnet var där med mörker, samtidigt som det lyste upp natten. Under hela natten kunde den ena hären inte komma nära den andra.
21 (G) Och Mose räckte ut handen över havet, och Herren drev då undan havet genom en stark östanvind som blåste hela natten. Han gjorde havet till torrt land, och vattnet klövs itu. 22 (H) Israels barn gick rakt genom havet på torr mark, medan vattnet stod som en mur till höger och vänster om dem. 23 Och egyptierna förföljde dem, alla faraos hästar, vagnar och ryttare, och kom efter dem ut till mitten av havet.
24 Men vid morgonväkten[d] såg Herren ner från pelaren av eld och moln på egyptiernas här och förvirrade den. 25 Han lät hjulen på deras vagnar lossna[e] så att det blev svårt för dem att komma fram. Då sade egyptierna: ”Vi måste fly för Israel! Herren strider för dem mot Egypten.”
26 Och Herren sade till Mose: ”Räck ut handen över havet så att vattnet vänder tillbaka över egyptierna, över deras vagnar och ryttare.” 27 Då räckte Mose ut handen över havet, och mot morgonen återvände vattnet till sin vanliga plats. Egyptierna flydde men möttes av det, och Herren strödde ut dem mitt i havet. 28 (I) Vattnet vände tillbaka och täckte vagnarna och ryttarna och hela faraos här[f] som hade kommit efter dem ut i havet. Inte en enda av dem kom undan.
29 Men Israels barn gick rakt[g] genom havet på torr mark, och vattnet stod som en mur till höger och till vänster om dem. 30 Så frälste Herren den dagen Israel från egyptiernas hand, och Israel såg egyptierna ligga döda på havets strand. 31 När Israels barn såg den stora makt som Herren hade visat mot egyptierna, fruktade folket Herren. Och de trodde på Herren och på hans tjänare Mose.
Footnotes
- 14:2 Pi-Hahirot Okänd plats. Kan betyda ”kanalernas mynning” eller ”frihetens mynning”.
- 14:2 Migdol Betyder ”torn” eller ”fästning”.
- 14:2 Baal-Sefon Betyder ”nordens herre”, kanske en plats för baalsdyrkan importerad från nuvarande Libanon (jfr not till Jes 14:13).
- 14:24 morgonväkten Nattens sista tredjedel mellan kl 2 och 6 (se Mått, mynt och tid i Uppslagsdelen).
- 14:25 lossna Andra handskrifter (så Septuaginta och Peshitta): ”fastna”.
- 14:28 täckte … hela faraos här Enligt Josefus och judisk tradition överlevde farao själv. Thutmose III levde till ca 1427 f Kr. Hans mumie finns i dag på Kairomuseet.
- 14:29 gick rakt genom havet Används i 1 Kor 10:1f som en bild av dopet till Kristus.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Svenska Folkbibeln 2015, Copyright © 2015 by Svenska Folkbibeln Foundation
