Font Size
Exodo 13:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Exodo 13:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa
3 Sinabi naman ni Moises sa mga Israelita, “Aalalahanin ninyo ang araw na ito ng inyong paglaya sa pagkaalipin sa bansang Egipto; mula roo'y inilabas kayo ni Yahweh sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Huwag kayong kakain ng tinapay na may pampaalsa. 4 Umalis kayo ng Egipto sa araw na ito ng unang buwan. 5 Dadalhin kayo ni Yahweh sa lupaing ipinangako niya sa inyong mga ninuno, sa isang mayaman at masaganang lupain; ang lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Hivita at Jebuseo. Pagdating doon, ipagdiriwang ninyo taun-taon ang araw na ito.
Read full chapter