Font Size
Exodo 12:41-43
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Exodo 12:41-43
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
41 Huling araw ng ika-430 taon nang umalis sa Egipto ang lahat ng lipi ng bayan ni Yahweh. 42 Nang gabing iyon sila iniligtas ni Yahweh at inilabas sa Egipto, kaya ang gabing iyon ay itinalaga nila sa pag-aalaala sa pagliligtas sa kanila ni Yahweh. Ang pag-aalaalang iyon ay patuloy nilang gagawin habang panahon.
Ang mga Tuntunin tungkol sa Paskwa
43 Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, “Ito ang mga tuntunin tungkol sa Paskwa: Bawal kumain nito ang mga dayuhan;
Read full chapter