Add parallel Print Page Options

38 At iginawa niya ng limang haligi sangpu ng kanilang mga sima: at kaniyang binalot ang mga kapitel at ang kanilang mga pilete ng ginto; at ang kanilang limang tungtungan ay tanso.

Read full chapter

31 At gagawa ka ng isang (A)lambong na bughaw at kulay-ube, at pula at linong pinili: na may mga querubing mainam ang pagkayari:

32 At iyong isasampay sa apat na haliging akasia na balot ng ginto, na pati ng kanilang mga pangipit ay ginto rin: na nakapatong sa ibabaw ng apat na tungtungang pilak.

33 At iyong ibibitin ang lambong sa ilalim ng mga pangalawit, at iyong ipapasok doon sa loob ng lambong (B)ang kaban ng patotoo: at paghihiwalayin sa inyo ng lambong ang dakong banal at ang kabanalbanalang dako.

34 At iyong ilalagay ang (C)luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban ng patotoo sa kabanalbanalang dako.

35 (D)At iyong ilalagay ang dulang sa labas ng lambong, at (E)ang kandelero ay sa tapat ng dulang sa tagiliran ng tabernakulo na dakong timugan: at ang dulang ay ilalagay mo sa dakong hilagaan.

36 At (F)igagawa mo ng isang tabing ang pintuan ng tolda na kayong bughaw at kulay-ube, at pula, at linong pinili, na (G)yari ng mangbuburda.

37 At igagawa mo ang tabing ng limang haliging akasia at babalutin mo ng ginto; na ang sima ng mga yaon ay ginto rin: at ipagbububo mo ng limang tungtungan.

Read full chapter