Add parallel Print Page Options

12 (A)Ay ihihiwalay mo para sa Panginoon yaong lahat na nagbubukas ng bahay-bata, at bawa't panganay na mayroon ka na mula sa hayop; ang mga lalake, ay sa Panginoon.

13 At bawa't panganay sa asno ay tutubusin mo ng isang kordero;[a] at kung hindi mo tutubusin, ay iyo ngang babaliin ang kaniyang leeg: (B)at lahat ng mga panganay na lalake sa iyong mga anak ay iyong tutubusin.

Read full chapter

Footnotes

  1. Exodo 13:13 o kambing na lalaki.

15 At nangyari, nang magmatigas si Faraon na hindi kami tulutang yumaon, ay pinatay ng (A)Panginoon ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, ang panganay ng tao at gayon din ang panganay ng hayop: kaya't aking inihahain sa Panginoon ang lahat ng nagbubukas ng bahay-bata na mga lalake; nguni't lahat ng panganay ng aking anak ay aking (B)tinutubos.

Read full chapter

19 (A)Yaong lahat na nagbubukas ng bahay-bata ay akin; at gayon din ang lahat ng hayop na lalake, ang panganay ng baka at ng tupa,

Read full chapter

26 (A)Ang panganay lamang sa mga hayop na iniukol ang pagkapanganay sa Panginoon, ang hindi maitatalaga ninoman; maging baka o tupa, ay ukol sa Panginoon.

Read full chapter

16 Sapagka't sila'y buong nabigay sa akin sa gitna ng mga anak ni Israel; (A)na kinuha ko silang kapalit ng lahat ng nagsisipagbukas ng bahay-bata, ng mga panganay sa lahat ng mga anak ni Israel.

17 (B)Sapagka't lahat ng mga panganay sa gitna ng mga anak ni Israel ay akin, maging tao at maging hayop: nang araw na aking lipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, ay aking pinapagingbanal para sa akin.

Read full chapter

15 Lahat ng mga bagay na nagbubukas ng (A)bahay-bata, sa lahat ng laman na kanilang inihahandog sa Panginoon, sa mga tao at gayon din sa mga hayop, ay magiging iyo: (B)gayon man ang panganay sa tao ay tunay na iyong tutubusin, at ang panganay sa maruruming hayop ay iyong tutubusin.

Read full chapter

19 (A)Lahat ng panganay na lalake na ipinanganak sa iyong bakahan, at sa iyong kawan ay iyong itatalaga sa Panginoon mong Dios: huwag mong pagagawin ang panganay ng iyong baka, ni huwag mong gugupitan ang panganay ng iyong kawan.

Read full chapter

23 (ayon sa nasusulat sa kautusan ng Panginoon, (A)Ang bawa't lalaking nagbubukas ng bahay-bata ay tatawaging banal sa Panginoon),

Read full chapter