Exodo 11:4-8
Ang Biblia (1978)
4 At sinabi ni Moises, Ganito ang sinasabi ng Panginoon, (A)Sa may hating gabi ay lalabas ako sa gitna ng Egipto:
5 At lahat ng mga (B)panganay sa lupain ng Egipto ay mamamatay, mula sa panganay ni Faraon, na nakaluklok sa kaniyang luklukan, hanggang sa panganay ng aliping babaing nasa (C)likuran ng gilingan; at ang lahat ng mga panganay sa mga hayop.
6 (D)At magkakaroon ng malakas na hiyawan sa buong lupain ng Egipto, na hindi nagkaroon ng kaparis, at hindi na magkakaroon pa ng kaparis.
7 (E)Datapuwa't sa lahat ng anak ng Israel (F)mula sa tao hanggang sa hayop, ay walang maggagalaw kahit isang aso ng kaniyang dila laban sa tao o sa hayop: upang inyong makilala kung paano ang pagkakalagay ng pagkakaiba ng Panginoon sa mga Egipcio at sa Israel.
8 (G)At bababain ako nitong lahat na iyong lingkod, at magsisiyukod sa akin, na magsasabi, Umalis ka, at ang buong bayan na sumusunod sa iyo: at pagkatapos niyaon ay aalis ako. At siya'y umalis sa harap ni Faraon na may maalab na galit.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978