Font Size
Exodo 2:16-19
Ang Biblia (1978)
Exodo 2:16-19
Ang Biblia (1978)
16 (A)Ang saserdote[a] nga sa Madian ay may pitong anak na babae: at sila'y naparoon at umigib ng tubig, at kanilang pinuno ang mga inuman upang painumin ang kawan ng kanilang ama.
17 At ang mga pastor ay dumating, at sila'y pinalayas: datapuwa't si Moises ay tumayo, at sila'y tinulungan, (B)at pinainom ang kanilang kawan.
18 At nang sila'y dumating kay Raquel[b] na kanilang ama, ay sinabi niya, Bakit kayo tumindig na madali ngayon?
19 At kanilang sinabi, Ipinagsanggalang kami ng isang Egipcio sa kamay ng mga pastor, at saka iniigib pa niya kami ng tubig, at pinainom ang kawan.
Read full chapterFootnotes
- Exodo 2:16 o Pangulo.
- Exodo 2:18 Pinanganganlan ding Jetro.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978