Add parallel Print Page Options

30 At siya'y nagpadala ng mga sulat sa lahat ng mga Judio, (A)sa isang daan at dalawang pu't pitong lalawigan ng kaharian ni Assuero, na may mga salita ng kapayapaan at katotohanan,

31 Upang pagtibayin ang mga araw na ito ng Purim, sa kanilang mga takdang panahon, ayon sa ibinilin sa kanila ni Mardocheo na Judio at ni Esther na reina, at ayon sa kanilang ipinasiya sa kanilang sarili at sa kanilang binhi, sa bagay (B)ng pag-aayuno at ng kanilang pagdaing.

32 At pinagtibay ng utos ni Esther ang mga bagay na ito ng Purim; at nasulat sa aklat.

Read full chapter