1 After the death of Haman was Mordecai exalted. 14 Comfortable letters are sent unto the Jews.

The same day did King Ahasuerus give the house of Haman the adversary of the Jews, unto the Queen Esther. And Mordecai [a]came before the King: for Esther told what he was [b]unto her.

And the King took off his ring, which he had taken from Haman, and gave it unto Mordecai: and Esther set Mordecai over the house of Haman.

And Esther spake yet more before the King, and fell down at his feet weeping, and besought him that he would put away the [c]wickedness of Haman the Agagite, and his device that he had imagined against the Jews.

And the King held out the golden [d]scepter toward Esther. Then arose Esther, and stood before the King,

And said, If it please the King, and if I have found favor in his sight, and the thing be acceptable before the King, and I please him, let it be written, that the letters of the device of Haman the son of Hammedatha the Agagite may be called again, which he wrote to destroy the Jews, that are in all the King’s provinces.

For how can I suffer and see the evil, that shall come unto my people? Or how can I suffer and see the destruction of my kindred?

And the king Ahasuerus said unto the Queen Esther, and to Mordecai the Jew, Behold, I have given Esther the house of Haman, whom they have hanged upon the tree, because he [e]laid hand upon the Jews.

Write ye also for the Jews, as it liketh you in the King’s name, and seal it with the King’s ring, (for the writings written in the King’s name, and sealed with the king’s ring, may [f]no man revoke.)

Then were the King’s Scribes called at the same time, even in the third month, that is the month [g]Sivan, on the three and twentieth day thereof: and it was written, according to all as Mordecai commanded, unto the Jews and to the princes, and captains and rulers of the provinces, which were from India even unto Ethiopia, an hundred and seven and twenty provinces, unto every province according to the [h]writing thereof, and to every people after their speech, and to the Jews, according to their writing, and according to their language.

10 And he wrote in the King Ahasuerus’s name, and sealed it with the King’s ring, and he sent letters by posts on horseback and that rode on beasts of price, as dromedaries, and [i]colts of mares.

11 Wherein the King granted the Jews (in what cities soever they were) to gather themselves together, and to stand for [j]their life, and to root out, to slay and to destroy all the power of the people and of the province that vexed them, both children and women, and to spoil their goods:

12 Upon one day in all the provinces of King Ahasuerus, even in the thirteenth day of the twelfth month, which is the month [k]Adar.

13 The copy of the writing was, how there should be a commandment given in all and every province, published among all the people, and that the Jews should be ready against that day, to [l]avenge themselves on their enemies.

14 So the posts rode upon beasts of price, and dromedaries, and went forth with speed, to execute the King’s commandment, and the decree was given at Shushan the palace.

15 And Mordecai went out from the King in royal apparel of blue, and white, and with a great crown of gold, and with a garment of fine linen and purple, and the city of Shushan rejoiced and was glad.

16 And unto the Jews was come light and [m]joy and gladness, and honor.

17 Also in all and every province, and in all and every city and place, where the King’s commandment and his decree came, there was joy and gladness to the Jews, a feast and good day, and many of the people of the land [n]became Jews: for the fear of the Jews fell upon them.

Footnotes

  1. Esther 8:1 That is, was received into the king’s favor and presence.
  2. Esther 8:1 That he was her uncle, and had brought her up.
  3. Esther 8:3 Meaning, that he should abolish the wicked decrees, which he had made for the destruction of the Jews.
  4. Esther 8:4 Read Esther 5:2.
  5. Esther 8:7 Or, went about to slay the Jews.
  6. Esther 8:8 This was the law of the Medes and Persians, as Dan. 6:15, notwithstanding the king revoked the former decree granted to Haman, for Esther’s sake.
  7. Esther 8:9 Which containeth part of May and part of June.
  8. Esther 8:9 That is, in such letters and language, as was usual in every province.
  9. Esther 8:10 Or, mules.
  10. Esther 8:11 That is, to defend themselves against all that would assail them.
  11. Esther 8:12 Which hath part of February and part of March.
  12. Esther 8:13 The king gave them liberty to kill all that did oppress them.
  13. Esther 8:16 He showeth by these words that follow, what this light was.
  14. Esther 8:17 Conformed themselves to the Jew’s religion.

Hinirang ng Hari si Mordecai

Nang araw ding iyon, ibinigay ni Haring Ahasuerus kay Reyna Ester ang ari-arian ni Haman, ang kalaban ng mga Judio. Sinabi ni Ester sa hari na kamag-anak niya si Mordecai, kaya ipinatawag ito ng hari. Kinuha ng hari ang kanyang singsing na pantatak, na binawi niya kay Haman, at ibinigay kay Mordecai. At siya ang ginawang katiwala ni Ester sa lahat ng ari-arian ni Haman.

Minsan pang lumapit si Ester kay Haring Ahasuerus habang nakaluhod at umiiyak sa kanyang paanan. Hiniling niyang huwag nang ituloy ang masamang plano ni Haman na Agageo laban sa mga Judio. 4-5 Itinuro ng hari ang kanyang gintong setro kay Ester, kaya tumayo siya sa harap ng hari at sinabi, “Kung kalugod-lugod po ako sa inyo, Mahal na Hari, at kung para sa inyoʼy tama at matuwid ito, nais ko sanang hilingin sa inyo na gumawa po kayo ng isang kautusan na magpapawalang bisa sa kautusang ipinakalat ni Haman na anak ni Hamedata na Agageo, na patayin ang lahat ng Judio sa inyong kaharian. Hindi ko po matitiis na makitang nililipol ang mga kalahi at mga kamag-anak ko.”

Sinabi ni Haring Ahasuerus kay Ester at kay Mordecai na Judio, “Ipinatuhog ko na si Haman dahil sa masama niyang plano na patayin ang mga Judio. Kaya ibinigay ko na sa iyo, Ester, ang mga ari-arian niya. Kaya gumawa kayo ng kautusan sa aking pangalan ng anumang nais ninyong isulat para sa ikabubuti ng mga Judio, at pagkatapos ay tatakan ninyo ng singsing ko. Dahil anumang kasulatan na isinulat sa pangalan ng hari at tinatakan ng singsing niya ay hindi mababago.”

Kaya noong ika-23 ng ikatlong buwan, ang buwan ng Sivan, ipinatawag ang mga kalihim ng hari. Isinulat nila ang lahat ng idinikta ni Mordecai. Ang sulat ay para sa mga Judio, mga gobernador, mga punong-bayan, at iba pang lingkod ng hari sa 127 lalawigan, mula sa India hanggang sa Etiopia.[a] Isinulat ito sa bawat wika ng mga tao sa buong kaharian, pati na sa wika ng mga Judio. 10 Ipinasulat ni Mordecai sa pangalan ni Haring Ahasuerus at tinatakan ng singsing ng hari. At pagkatapos, ipinadala sa pamamagitan ng mga tagapaghatid ng sulat na nakasakay sa mabibilis na kabayo ng hari. 11 Ayon sa sulat na iyon, binigyan ng pahintulot ang lahat ng Judio na magsama-sama at ipagtanggol ang kanilang sarili, pati na ang kanilang mga babae at mga bata. Maaari nilang patayin ang sinumang sasalakay sa kanila mula sa kahit anong bansa o probinsya. Pinahintulutan din silang samsamin ang mga ari-arian ng kanilang mga kaaway. 12 Gagawin ito ng mga Judio sa lahat ng probinsyang nasasakupan ni Haring Ahasuerus, sa ika-13 araw ng ika-12 buwan, ang buwan ng Adar. 13 Ang sulat na itoʼy ipapadala sa lahat ng probinsya bilang isang kautusan at dapat ipaalam sa lahat, para makapaghanda ang mga Judio sa pagtatanggol ng kanilang sarili laban sa mga kaaway nila sa araw na iyon.

14 Kaya sa utos ng hari, nagmamadaling umalis ang mga tagapaghatid ng sulat na nakasakay sa mabibilis na kabayo ng hari. Ang utos na iyon ay ipinakalat din sa lungsod ng Susa.

15 Nang lumabas si Mordecai sa palasyo, nakadamit siya ng damit panghari na puti at asul at nakabalabal ng pinong linen na kulay ube, at may malaking koronang ginto sa kanyang ulo. Nagsigawan sa tuwa ang mga tao sa lungsod ng Susa. 16 Labis ang katuwaan ng lahat ng Judio. 17 Sa bawat lungsod o probinsya na naabot ng utos ng hari, tuwang-tuwa ang mga Judio at nagdiwang sila. At marami sa lupaing iyon ang naging Judio dahil sa takot nila sa mga Judio.

Footnotes

  1. 8:9 Etiopia: sa Hebreo, Cush.