Esther 6
Ang Biblia (1978)
Si Mardocheo ay pinarangalan ng hari.
6 Nang gabing yaon ay hindi makatulog ang hari; at kaniyang iniutos na dalhin (A)ang aklat ng mga alaala ng mga gawa, at mga binasa sa harap ng hari.
2 At nasumpungang nakasulat, na si Mardocheo ay nagsaysay tungkol kay (B)Bigthana at kay Teres, dalawa sa mga kamarero ng hari, sa nangagingat ng pintuan na nangagisip magbuhat ng kamay sa haring Assuero.
3 At sinabi ng hari, Anong karangalan at kamahalan ang nagawa kay Mardocheo sa bagay na ito? Nang magkagayo'y sinabi ng mga lingkod ng hari na nagsisipaglingkod sa kaniya, Walang anomang nagawa sa kaniya.
4 At sinabi ng hari, Sino ang nasa looban? Si Aman nga ay pumasok (C)sa looban ng bahay ng hari, (D)upang magsalita sa hari na bitayin si Mardocheo sa bibitayan na inihanda niya sa kaniya.
5 At ang mga lingkod ng hari ay nagsabi sa kaniya. Narito, si Aman ay nakatayo sa looban. At sinabi ng hari, Papasukin siya.
6 Sa gayo'y pumasok si Aman. At ang hari ay nagsabi sa kaniya, Anong gagawin sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari? Sinabi nga ni Aman sa kaniyang sarili: Sino ang kinalulugdang parangalin ng hari na higit kay sa akin?
7 At sinabi ni Aman sa hari, Sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari,
8 Ay dalhan ng damit-hari na isinusuot ng hari, at (E)ng kabayo na sinasakyan ng hari, at putungan sa ulo ng putong na hari:
9 At ang bihisan at ang kabayo ay mabigay sa kamay ng isa sa pinakamahal na prinsipe ng hari, upang bihisang gayon ang lalake na kinalulugdang parangalin ng hari, at pasakayin siya sa kabayo sa lansangan ng bayan, at itanyag sa unahan niya; Ganito ang gagawin sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari.
10 Nang magkagayo'y sinabi ng hari kay Aman, Ikaw ay magmadali, at kunin mo ang bihisan at ang kabayo, gaya ng iyong sinabi, at gawin mong gayon kay Mardocheo, na Judio, na nauupo sa pintuang-daan ng hari; huwag magkulang ang anomang bagay sa lahat na iyong sinalita.
11 Nang magkagayo'y kinuha ni Aman ang bihisan at ang kabayo, at binihisan si Mardocheo, at pinasakay sa lansangan ng bayan, at nagtanyag sa unahan niya: Ganito ang gagawin sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari.
12 At si Mardocheo ay bumalik sa pintuang-daan ng hari. Nguni't si Aman ay nagmadaling umuwi, na tumatangis (F)at may takip ang ulo.
13 At isinaysay ni Aman kay Zeres na kaniyang asawa at sa lahat niyang mga kaibigan ang bawa't bagay na nangyari sa kaniya. Nang magkagayo'y sinabi ng kaniyang mga pantas na lalake, at ni (G)Zeres na kaniyang asawa sa kaniya: Kung si Mardocheo, na iyong pinasimulang kinahulugan sa harap, ay sa binhi ng mga Judio, hindi ka mananaig laban sa kaniya, kundi ikaw ay walang pagsalang mahuhulog sa harap niya.
14 Samantalang sila'y nakikipagsalitaan pa sa kaniya, dumating ang mga kamarero ng hari at nagmadaling dinala si Aman (H)sa pigingan na inihanda ni Esther.
Esther 6
English Standard Version
The King Honors Mordecai
6 On that night the king could not sleep. And he gave orders to bring (A)the book of memorable deeds, the chronicles, and they were read before the king. 2 And it was found written how (B)Mordecai had told about (C)Bigthana[a] and (D)Teresh, two of the king's eunuchs, who guarded the threshold, and who had sought to lay hands on King Ahasuerus. 3 And the king said, “What honor or distinction has been bestowed on Mordecai for this?” The king's young men who attended him said, “Nothing has been done for him.” 4 And the king said, “Who is in the court?” Now Haman had just entered (E)the outer court of the king's palace to speak to the king about having Mordecai hanged on (F)the gallows[b] that he had prepared for him. 5 And the king's young men told him, “Haman is there, standing in the court.” And the king said, “Let him come in.” 6 So Haman came in, and the king said to him, “What should be done to the man (G)whom the king delights to honor?” And Haman said to himself, “Whom would the king delight to honor more than me?” 7 And Haman said to the king, “For the man whom the king delights to honor, 8 let royal robes be brought, which the king has worn, (H)and the horse that the king has ridden, and on whose head (I)a royal crown[c] is set. 9 And let the robes and the horse be handed over to one of the king's most noble officials. Let them dress the man whom the king delights to honor, and let them lead him on the horse through the square of the city, (J)proclaiming before him: ‘Thus shall it be done to the man whom the king delights to honor.’” 10 Then the king said to Haman, “Hurry; take the robes and the horse, as you have said, and do so to Mordecai the Jew, who sits (K)at the king's gate. Leave out nothing that you have mentioned.” 11 So Haman took the robes and the horse, and he dressed Mordecai and led him through the square of the city, proclaiming before him, “Thus shall it be done to the man whom the king delights to honor.”
12 Then Mordecai returned to the king's gate. But Haman hurried to his house, mourning (L)and with his head covered. 13 And Haman told (M)his wife Zeresh and all his friends everything that had happened to him. Then his wise men and his wife Zeresh said to him, “If Mordecai, before whom you have begun to fall, is of the Jewish people, you will not overcome him but will surely fall before him.”
Esther Reveals Haman's Plot
14 While they were yet talking with him, the king's eunuchs arrived and hurried to bring Haman (N)to the feast that Esther had prepared.
Footnotes
- Esther 6:2 Bigthana is an alternate spelling of Bigthan (see 2:21)
- Esther 6:4 Or wooden beam (see note on 2:23)
- Esther 6:8 Or headdress
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
The ESV® Bible (The Holy Bible, English Standard Version®), © 2001 by Crossway, a publishing ministry of Good News Publishers. ESV Text Edition: 2025.

