Add parallel Print Page Options

Nang araw na iyon, nalipol ang mga kalaban ng mga Judio; natakot nang husto ang mga tao sa kanila kaya wala ni isa mang nagtangkang lusubin sila. Tinulungan pa sila ng mga gobernador at ng lahat ng pinuno sa bawat lalawigan dahil naman sa takot kay Mordecai 4-5 na noon ay isa nang makapangyarihang tao sa kaharian. Bantog na sa buong kaharian ang kanyang pangalan at patuloy pang lumalaki ang kanyang kapangyarihan.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 4-5 Sa ibang manuskrito'y may dagdag na Nilipol nga ng mga Judio ang kanilang mga kaaway sa pamamagitan ng tabak at ginawa nila ang kanilang gusto sa lahat ng napopoot sa kanila .