Ester 8
Magandang Balita Biblia
Hinirang si Mordecai
8 Nang araw ding iyon, ang mga ari-arian ni Haman na kaaway ng mga Judio ay ibinigay ni Haring Xerxes kay Reyna Ester. Napabilang rin si Mordecai sa mga kagawad na malapit sa hari sapagkat sinabi ni Ester na magkamag-anak sila. 2 Ang singsing na pantatak ng hari ay kinuha kay Haman at ibinigay kay Mordecai na siyang ginawang katiwala ni Ester sa dating bahay ni Haman.
Ang Bagong Kahilingan ni Ester
3 Minsan pang lumapit si Ester kay Haring Xerxes at lumuluhang idinulog dito ang utos tungkol sa paglipol sa mga Judio na binalak ni Haman na Agagita. 4 Itinuro ng hari ang kanyang setro kay Ester. Tumayo naman si Ester at kanyang sinabi, 5 “Kung mamarapatin ninyo at makalulugod sa inyo, Kamahalan, nais kong hilingin na inyong ipawalang-bisa ang utos na pinakalat ni Haman na Agagita, anak ni Hamedata, laban sa mga Judio sa inyong kaharian. 6 Hindi ko po makakayanang makita na nililipol at pinapatay ang aking mga kalahi.”
7 Sinabi ni Haring Xerxes kay Reyna Ester at kay Mordecai na Judio, “Ang ari-arian ni Haman ay ibinigay ko na kay Ester. Ipinabitay ko na si Haman dahil sa masama niyang balak sa mga Judio.” 8 Sinabi rin ng hari sa kanila, “Gumawa ka ng isang utos para sa mga Judio at isulat ninyo rito ang gusto ninyong isulat sa pangalan ko, at tatakan mo ng aking singsing. Sapagkat walang sinumang makapagpapawalang-bisa sa utos ng hari lalo na kung ito'y tinatakan ng singsing ng hari.”
9 Nang ikadalawampu't tatlong araw ng ikatlong buwan, ipinatawag lahat ang mga kalihim ng hari. Ipinasulat ni Mordecai sa kanila ang isang liham tungkol sa mga Judio upang ipadala sa mga gobernador at mga tagapangasiwa at mga pinuno ng 127 lalawigan, mula sa India hanggang Etiopia.[a] Ang utos ay nakasulat sa wikang ginagamit sa lugar na padadalhan. 10 Ang sulat na ito ay sa pangalan ni Haring Xerxes, at may tatak ng singsing nito. Pagkatapos, ipinadala sa mga tagahatid-sulat, sakay ng mabibilis nilang kabayo mula sa kuwadra ng hari. 11 Sa pamamagitan ng sulat na ito, ipinahihintulot ni Haring Xerxes na magsama-sama ang mga Judio upang ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa sinumang sasalakay sa kanila mula sa alinmang lalawigan. Pinahihintulutan din silang patayin, lipulin at samsaman ng ari-arian ang hukbong sasalakay sa kanila, pati ang mga kababaihan at mga bata. 12 Gagawin nila ito sa buong kaharian sa loob ng isang araw, sa ikalabintatlo ng ikalabindalawang buwan ng taon. 13 Bawat lalawigan ay padadalhan ng sipi nito at ipahahayag sa lahat ng tao para makapaghanda ang mga Judio sa araw na yaon laban sa kanilang mga kaaway. 14 Kaya, ang mga tagahatid-sulat ay nagmamadaling lumakad, sakay ng mabibilis na kabayo ng hari at sinunod agad ang utos ng hari. Ang utos ay ikinalat din sa Lunsod ng Susa.
15 Nang lumabas ng palasyo si Mordecai, ipinagbunyi siya ng buong Lunsod ng Susa. Suot niya ang maharlikang kasuotan: puti't asul ang kanyang damit, pinong lino na kulay ube ang balabal, at malaki ang koronang ginto. 16 Ito'y malaking karangalan ng mga Judio. Masayang-masaya sila. 17 Sa lahat ng dakong naabot ng utos ng hari, nagpista sa tuwa ang mga Judio. At sa buong kaharian, marami ang nagsabing sila'y Judio sa takot na sila'y patayin.
Footnotes
- Ester 8:9 ETIOPIA: Sa wikang Hebreo ay “Cus”; sakop ng lugar na ito ang mga kasalukuyang bansa ng Etiopia at Sudan.
Esther 8
Revised Geneva Translation
8 That same day, King Ahasuerus gave the house of Haman, the adversary of the Jews, to Queen Esther. And Mordecai came before the king (for Esther had told him what he was to her).
2 And the king took off his ring which he had taken from Haman and gave it to Mordecai. And Esther set Mordecai over the house of Haman.
3 And Esther spoke to the king again and fell down at his feet, weeping, and begged him to reverse the wickedness of Haman the Agagite, and his device that he had imagined against the Jews.
4 And the king held out the golden scepter toward Esther. Then Esther arose and stood before the king,
5 And said, “If it please the king —and if I have found favor in his sight, and the thing is acceptable before the king, and I please him —let it be written that the letters devised by Haman, the son of Hammedatha the Agagite, which he wrote to destroy the Jews who are in all the king’s provinces, may be revoked.
6 “For how can I suffer and see the evil that shall come to my people? Or how can I suffer and see the destruction of my kindred?”
7 And King Ahasuerus said to Queen Esther and to Mordecai the Jew, “Behold, I have given Esther the house of Haman, whom they have hanged upon the tree, because he laid hands upon the Jews.
8 “Also, write for the Jews as you like, in the King’s name; and seal it with the King’s ring.” (for the writings written in the King’s name, and sealed with the king’s ring, may not be revoked)
9 At that same time, the king’s scribes were called, on the twenty-third day of the third month (that is, the month Sivan). And it was written according to all as Mordecai commanded, to the Jews and to the princes, and captains and rulers of the provinces which were from India to Ethiopia (a hundred and twenty-seven provinces), to every province according to its writing and to every people according to their speech, and to the Jews according to their writing and according to their language.
10 And he wrote in King Ahasuerus’s name, and sealed it with the king’s ring. And he sent letters, by couriers on horseback and by riders of royal steeds.
11 In these, the king granted the Jews (in whatever cities they were) to gather themselves together and to stand for their life —to root out, to slay and to destroy all the power of the people and of the province that attacked them, both children and women, and to plunder their goods —
12 upon one day, in all the provinces of King Ahasuerus, on the thirteenth day of the twelfth month (which is the month Adar).
13 The copy of the writing was to be given as a decree in all and every province, and published among all the people, so that the Jews would be ready for that day, to avenge themselves on their enemies.
14 So the couriers rode upon royal steeds and went forth with speed to execute the king’s commandment. And the decree was given at Shushan, the palace.
15 And Mordecai went out from the king in royal apparel of blue, and white, and with a great crown of gold, and with a garment of fine linen and purple. And the city of Shushan rejoiced and was glad.
16 And to the Jews came light and joy and gladness, and honor.
17 Also, in all and every province, and in all and every city and place where the king’s commandment and his decree came, there was joy and gladness to the Jews, a feast and a holiday. And many of the people of the land became Jews; for the fear of the Jews fell upon them.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
© 2019, 2024 by Five Talents Audio. All rights reserved.
