Add parallel Print Page Options

Sinuway ni Reyna Vasti si Haring Xerxes

Nang(A) panahon ni Haring Xerxes ng Persia, ang sakop niya'y mula sa India hanggang Etiopia.[a] Binubuo ito ng 127 lalawigan. Ang kanyang palasyo ay nasa Lunsod ng Susa na siyang kapitolyo ng Persia.

Nang ikatlong taon ng kanyang paghahari, siya ay naghanda ng isang piging para sa kanyang mga pinuno, mga katulong sa palasyo, mga punong-kawal ng Persia at Media, pati mga maharlika at mga gobernador ng mga lalawigan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Ester 1:1 ETIOPIA: Sa wikang Hebreo ay “Cus”; sakop ng lugar na ito ang mga kasalukuyang bansa ng Etiopia at Sudan.