Add parallel Print Page Options

Pinalitan si Vasti bilang Reyna

1-2 May isang hari sa Persia na ang pangalan ay Ahasuerus.[a] Nakatira siya sa palasyo niya sa lungsod ng Susa. Ang nasasakupan niya ay 127 probinsya mula sa India hanggang sa Etiopia.[b] Nang ikatlong taon ng paghahari niya, nagdaos siya ng malaking handaan para sa mga pinuno niya at sa iba pang lingkod sa palasyo. Dumalo rin ang mga pinuno ng mga kawal ng Persia at Media pati na ang mararangal na tao at mga pinuno ng mga probinsya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:1-2 Ahasuerus: Ibang pangalan ni Xerxes.
  2. 1:1-2 Etiopia: sa Hebreo, Cush.