Efeso 5:21-6:4
Ang Biblia (1978)
21 Na pasakop kayo sa isa't isa sa takot kay Cristo.
22 Mga babae, (A)pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na (B)gaya ng sa Panginoon.
23 Sapagka't ang lalake (C)ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas (D)ng katawan.
24 Datapuwa't kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.
25 Mga lalake, (E)ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at (F)ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya;
26 Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis (G)sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig (H)na may salita,
27 Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na (I)maluwalhati, na (J)walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; (K)kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan.
28 Gayon din naman nararapat ibigin ng mga lalake ang kani-kaniyang sariling asawa, na gaya ng kanilang sariling mga katawan. Ang umiibig sa kaniyang sariling asawa ay umiibig sa kaniyang sarili:
29 Sapagka't walang sinoman na napoot kailan man sa kaniyang sariling katawan; kundi kinakandili at minamahal, gaya naman ni Cristo sa iglesia;
30 Sapagka't (L)tayo ay mga sangkap ng kaniyang katawan.
31 Dahil dito'y (M)iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman.
32 Ang hiwagang ito ay dakila: datapuwa't sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at tungkol sa iglesia.
33 (N)Gayon man ay umibig naman ang bawa't isa sa inyo sa kani-kaniyang sariling asawa gaya ng sa kaniyang sarili; at ang babae ay (O)gumalang sa kaniyang asawa.
6 Mga anak, (P)magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka't ito'y matuwid.
2 Igalang mo ang iyong ama (Q)at ina (na siyang unang utos na may pangako),
3 Upang yumaon kang mabuti, at ikaw ay mabuhay na malaon sa lupa.
4 At, (R)kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi (S)inyong turuan sila ayon sa saway at (T)aral ng Panginoon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978