Add parallel Print Page Options

13 Ito ay hanggang sa maabot nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya at ng kaalaman sa Anak ng Diyos, hanggang sa tayo ay maging sakdal, hanggang sa tayo ay lumaki sa pinakasukat ng kataasan ng kapuspusan ni Cristo.

14 Ito ay upang hindi na tayo maging mga bata na sinisiklot at tinatangay kung saan-saan ng bawat hangin ng katuruan. Ito ay sa pamamagitan ng pandaraya ng mga tao at ng katusuhan na naghahatid patungo sa mapanlinlang na kaparaanan. 15 Sa halip, panatilihin natin ang katotohanan ayon sa pag-ibig upang lumago tayo sa lahat ng mga bagay kay Cristo, na siya ang ulo.

Read full chapter