Add parallel Print Page Options

Ito'y isang kasamaan sa lahat na nalikha sa ilalim ng araw, na may isang pangyayari sa lahat: oo, gayon din, ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan, at kaululan ang nasa kanilang puso habang sila'y nangabubuhay, at pagkatapos niyaon ay napatutungo sa pagkamatay.

Sapagka't sa kaniya, na napisan sa lahat na may buhay ay may pagasa: sapagka't ang buháy na aso ay maigi kay sa patay na leon.

Sapagka't nalalaman ng mga buháy, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman (A)ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala (B)sa kanila ay nakalimutan.

Read full chapter