Eclesiastes 6:1-2
Ang Biblia (1978)
Ang kawalang kabuluhan ng mabuting bagay na hindi ikasya.
6 May (A)kasamaan na nakita ako sa ilalim ng araw, at mabigat sa mga tao:
2 Ang tao (B)na binibigyan ng Dios ng mga kayamanan, pagaari, at karangalan, (C)na anopa't walang kulang sa kaniyang kaluluwa sa lahat niyang ninanasa, (D)gayon ma'y hindi binibigyan siya ng Dios ng kapangyarihan na kumain niyaon, kundi iba ang kumakain niyaon; ito'y walang kabuluhan, at masamang sakit.
Read full chapter
Eclesiastes 6:1-2
Ang Biblia, 2001
6 May kasamaan akong nakita sa ilalim ng araw, at ito'y mabigat sa mga tao:
2 isang tao na binibigyan ng Diyos ng kayamanan, mga ari-arian, at karangalan, na anupa't walang kulang sa lahat ng kanyang ninanasa. Gayunma'y hindi siya binibigyan ng Diyos ng kapangyarihan na tamasahin ang mga iyon, kundi dayuhan ang nagtatamasa sa mga iyon; ito'y walang kabuluhan at mabigat na kapighatian.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
