Font Size
Eclesiastes 3:16-18
Ang Biblia (1978)
Eclesiastes 3:16-18
Ang Biblia (1978)
Ang kasamaan ng tao at ang pagkakatulad sa hayop.
16 At bukod dito'y (A)aking nakita sa ilalim ng araw, sa dako ng kahatulan, na nandoon ang kasamaan; at sa dako ng katuwiran, na nandoon ang kasamaan.
17 Sinabi ko sa puso ko, (B)Hahatulan ng Dios ang matuwid at ang masama: sapagka't may panahon doon sa (C)bawa't panukala at sa bawa't gawa.
18 Sinabi ko sa puso ko, Dahil sa mga anak ng mga tao, upang subukin sila ng Dios, at upang kanilang makita na sila'y mga hayop lamang.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978