Font Size
                  
                
              
            
Ecclesiastico 8:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ecclesiastico 8:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 Huwag mong hahamakin ang pangaral ng marurunong,
    sa halip ay pag-aralan mong mabuti ang kanilang mga kasabihan;
makakapulot ka roon ng maraming karunungan,
    at matututunan mong maglingkod sa mga may kapangyarihan.
9 Pag-aralan mo ang turo ng matatanda,
    sapagkat sila man ay nag-aral din niyon sa kanilang mga magulang.
Matututo ka sa kanila ng pang-unawa,
    at mayroon kang maisasagot kapag kinailangan.
10 Huwag mong pagsiklabin ang galit ng makasalanan,
    baka ka maramay sa ningas ng kanyang poot.