Font Size
Ecclesiastico 7:33-35
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ecclesiastico 7:33-35
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
33 Magmagandang-loob ka sa mga buháy,
at huwag mong ipagkait ang tulong mo sa mga patay.
34 Makiramay ka sa mga naulila ng isang mahal sa buhay,
at makidalamhati ka sa kanila.
35 Huwag mong kaliligtaan ang pagdalaw sa mga maysakit,
sapagkat kapag ginawa mo ito, mamahalin ka nila.