Font Size
Ecclesiastico 45:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ecclesiastico 45:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
9 Nilagyan ng mga bunga ng granada ang laylayan ng kanyang baro,
at sinalitan ng mga kampanilyang ginto
na kumikililing habang siya'y lumalakad,
upang marinig sa buong Templo ng Diyos
at maalala ng Panginoon ang kanyang bayan.
10 Pinagsuot siya ng Panginoon ng damit na sagrado
na binurdahan ng ginto, asul at pula;
binigyan din siya ng pektoral na tagapagpahayag ng kalooban ng Diyos,
11 at ng kurdong pula na ginawa ng isang dalubhasa.
Pinapagsuot pa siya ng batong hiyas na tinabas na parang pantatak,
at ipinatong ng platero sa ginto,
at inukitan ng mga pangalan ng labindalawang lipi ng Israel
upang sila'y laging maalala ng Panginoon.